Tuesday, December 16, 2008

marunong na akong maglakad!:D

haha, salamat kay JOvick, tinuruan nia akong maglakad.. Kasi naman, wow, two times akong nadulas kahapon sa bio room.. ung una, ayos lang, konti lang nasa room, at di talaga ako super nadapa.. pero ung huling pagkadulas ko.. as in super napa-upo ako.. nakakahiya:-S oh well. experience! haha, tapos di pa ako makatayo agad..waaah. sobrang nakuha ko attention ng klase..nakakatawa na sobrang nakakahiya.. kaya nga sa awa sa akin ni jovick, ayun tinuruan nia akong maglakad..Congrats:D
Tapos physics with Lithium! tae..faaaaaaaail!! oh well.. sana nakabawi ako sa physics perio kanina..pero er.na-blackout ako. pero naalala ko rin kahit papano..waaah sobrang walang kwenta ng perio ko kanina sa physics.. socsci sana ayos lang..
Chem at english naman bukas, sana makabawi ako sa chem..saaaaana, at sa english naman, ewan ko nalang..oh well talga..ahaha
tapos kanina lang..bonding with Lordom and Cam sa Trinoma. Salamat:D. ansaya-saya..

oooOOOOOooo

Finally! Simbang gabi na. First night, sobrang awww.. grabe. Astig rin ung pari kasi makulit siya, kahit na mahaba-haba ung homily, sulit. sobrang..basta:) Plus, may mga mkukulit pa akong katabi--->Minnie, Proc, Andrea:))

oooOOOOOooo

Kahapon rin pala, nagdrawing si Al ng sad face na cute sa kamay ko, at hanggang ngayon hindi pa siya natatanggal.. Medyo sakto nga pagkakalagay nia kasi...parang ang lungkot ng buhay..wahahaha--EMOOOO!. basta, grabe.

oooOOOOOooo

Pansin ko lang sobrang random na ng mga pinag-sasasabi ko.. grabe bangag sobra... Naalala ko pala ung ula ko sa Fil.. ung last na tula na pinass ko.. sorbrang panalo un...sa pangit!!! SAbog grabe.. Ang cheesy niaaa.. one hour in the making! hahaha..

oooOOOOOooo

simbang gabi na pala..byebye:)

Friday, December 5, 2008

Home at last!:D

sa wakas, nakauwi na rin ako after 2 weeks? tapos muntikan pang hindi ako makauwi, buti na lang.. pinautang ako ni sir tan ng 50! yeah! THANK YOU!
tapos nung paglabas ko ng gate ng pisay, ansaya kasi nakasabay ko pa si keisha sa padyak!...grabe, di ko akalaing nagccommute pala siya pauwi.. so yun, sabay kaming umuwi..hahaha, hanggang sa naghiwalay kami sa ayala:)

Tuesday, December 2, 2008

Tuesday 1:40!

Buti na lang, hindi monday schedule ngayon. Kaya naman 1:40 kami:D
Mabilis lang itong araw na ito, quiz sa STR, discussion sa Math at saka namin nalaman na may speed test:O, sa logarithm pare! Hardcore talaga ni Sir Nat, kahit kailan.. Sa Com Sci, ayos lang pero medyo bad3p.. Uh, hindi pala medyo bad3p, SOBRANG bad3p... *ehem*Josh, Alec, Kwan, Portia, Jasper*ehem*. Sa Fil naman, nagpasa lang ng draft.. ung hindi final draft...haha, Sa food Sci, nagdiscuss lang ng cake na kailangang i-bake. At pagdating sa chem... ayun, ganun pa rin..hahaha
Pagdating sa dorm, nagpakasipag agad ako, naglaro kami ni jasmine.. Tapos lumabas ult ako, para magcaf, at mag-atm.
Ayun, after nun, maspag na raw ako=))

Bukas ay isang grabeng araw.. First subject pa lang, sira na siguro araw mo.. sira pa ulo mo=))
Goodluck nalang sa buong Rubidium!

Sunday, November 30, 2008

tapos na ang fair..

hmm, better than last year?..ayos naman, I had fun!..medyo na-emo lang ako after ng BOTB..o_O, ewan ko kung bakit, pero ayos na ako..
Walang kwenta, as usual, ung booth namin..--stalker booth.
Hataw naman ung marriage booth.*ehem*=))
Hataw rin sa pag-ask sa prom...hahaha
Kult ng inflatables.. lalo na kung kasama mo si sir Naaat!.. Grabe, kawawa si Sir.. nahilo daw siya.. pero fun pa rin.
Mga makukulit na conditions para di mahuli...
,issssh.. waaaah, basta un...=)

Tuesday, November 25, 2008

weee:)

Sobrang labo ng araw na ito.. pano ba naman kasi.. may sobrang bad trip na nangyari, meron ding sobrang saya na nangyari... Dapat maneuneutralize siya diba, kaso mas nararamdaman ko ngayon yung sobrang saya.

Kahit na ang tae ng STR, ang bano ng Chem at ansabog ng Comsci...ayos lang.. Astig naman ung math, at wala paring pinagbago ang Fil at Foodsci... 140 pa dismissal namin, ansarap tuloy ng tulog ko.

:)weeeeeee! ansya=)

Saturday, November 22, 2008

Last week of November.

Happy Birthday kay Adie!>:D< at kahapon kay Jovick!:D

This week, last week na ng November.. sobrang bilis ng oras.. Next week, December na, at Pasko naaaaaa!

Andito ako ngayon sa bahay ng lolo ko, and sobrang paskong-pasko na. Kumpleto na sila sa christmas decorations. Though di ko pa rin feel.Haha. Sa bahay, wala pa kaming christmas decor. oh well

Sa friday at saturday, fair na sa pisay. Pero bago ang fun, marami pa kaming dapat pagdaanan, kasi may mga long tests pa. So yun.

*Bored!*

Friday, November 14, 2008

...ang tagal mag-upload ng pictures.

Tae, ang tagal magupload.. mula pa nung retreat ung mga inuupload kong pictures kaya..haaay. Nasa 25% palang ako overall. At ititigil ko muna dian, pero bago yun.. magppost muna ako..
Birthday ngayon ng brother ko, though di ko feel kasi malayo kami sa isa't-isa:(.. nine years old na siya.. Close kami. Makulit siya, astig.. nakakaasar minsan, pero mahal na mahal ko yan. Grabe ang itinaba nia since dumating siya sa UAE. Mas nagmature, natuto maging indrpendent. Kaya proud ako sa kapatid kong iyan. Tawag namin sa kanya Biboy. Pero totoo niang pangalan ay Raphael Gabriel. Haaay.. Nakakamiss na tuloy. Ang hirap kasi ng buhay..kailangan pa tuloy naming magkahiwa-hiwalay.
Ayun.. Birthday rin pala ni Cat, at bukas, birthday ng kaibigan ko sa old school, si Carlo. Carlo C. rin siya tulad ng Carlo na kklase ko ngayon.. Calinga kasi apelido niya.. wala lang. Si Carlo, parang kapatid ko na rin yan.. parang kuya ko iyan, kahit na mas matanda ako sa knya.. Isa siya sa dalawa kong "kababata". yeah!
Uh, sa araw na ito.. may narealize ako. ang funny nga lang, kasi ilang beses ko na-encounter itong pinarerealize sakin - sa blogs, sa mga taong nkakatext/ nakakachat ko etc. Para siyang hangin na andiyan lang at paikot-ikot sa kin.. hanggang sa lamigin ako at marealize na mahangin at malamig pala..hahaha, tae ang pangit ata ng analogy. Itong realization na ito, ewan ko kung kapraningan lang or something na nature ng tao na di nakokontento.. *ok, parang walang sense yung sinabi ko* anyway, ayos naman na ako ngayon..
Uh..wala akong load! Load-an nio ko! papasa..kahit five lang:D..
Wala pa akong nagagawa sa mga requirements though wala naman ata masyadong requirements.. hahaha,
Bukas ulit...